Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Karapatan
Ang kapahintulutang ipinagkaloob sa tao sa mundo na tinawag o inordenan upang kumilos para kay at alang-alang sa Diyos Ama o Jesucristo sa paggawa ng gawain ng Diyos.
Isinugo kita, Ex. 3:12–15. Sabihin ang lahat ng iniutos ko sa iyo, Ex. 7:2. Binigyan niya ng kapangyarihan ang labindalawang disipulo, Mat. 10:1. Ako’y hindi ninyo pinili, ngunit kayo’y pinili ko, at inorden kayo, Juan 15:16. Nangaral sina Nephi at Lehi nang may dakilang karapatan, Hel. 5:18. Si Nephi, na anak ni Helaman, ay isang tao ng Diyos, na may dakilang kapangyarihan at karapatan mula sa Diyos, Hel. 11:18 (3 Ne. 7:17). Nagbigay si Jesus ng kapangyarihan at karapatan sa labindalawang Nephita, 3 Ne. 12:1–2. Si Joseph Smith ay tinawag ng Diyos at inordenan, D at T 20:2. Walang sinumang mangangaral ng aking ebanghelyo o magtatatag ng aking simbahan maliban sa siya ay inordenan at alam sa simbahan na siya ay may karapatan, D at T 42:11. Ipangangaral ng mga elder ang ebanghelyo, gumaganap nang may karapatan, D at T 68:8. Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay may karapatang mamahala sa mga espirituwal na bagay, D at T 107:8, 18–19. Anuman ang ginawa ng may banal na karapatan ay nagiging batas, D at T 128:9. Sinumang nangangaral o naglilingkod para sa Diyos ay kinakailangang tawagin ng Diyos sa pamamagitan ng mga yaong may karapatan, S ng P 1:5.