Sa mga banal na kasulatan, ang kapayapaan ay maaaring nangangahulugan ng kalayaan mula sa labanan at kaguluhan o panloob na katahimikan at kaginhawahan na dulot ng Espiritu na ibinibigay ng Diyos sa kanyang matatapat na Banal.
Kalayaan mula sa labanan at kaguluhan: Kanyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma, Awit 46:9. Ni hindi na sila mag-aaral pa ng pakikidigma, Is. 2:4. Makipamuhay nang payapa sa lahat ng tao; huwag ipaghiganti ang inyong sarili, Rom. 12:18–21. Mayroon pang kapayapaan sa lupain,
4 Ne. 1:4, 15–20. Talikuran ang digmaan at ipahayag ang kapayapaan,
D at T 98:16. Magtaas ng sagisag ng kapayapaan,
D at T 105:39.
Katahimikan mula sa Diyos para sa mga masunurin: Ang Tagapagligtas ay tatawaging Prinsipe ng Kapayapaan, Is. 9:6. Walang kapayapaan sa masasama, Is. 48:22. May isang makalangit na hukbo, nagbibigay-papuri sa Diyos na nagsasabing, Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan, Lu. 2:13–14. Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, Juan 14:27. Ang kapayapaan ng Diyos ay di masuyod ng pag-iisip, Fil. 4:7. Ang mga tao ni Haring Benjamin ay nakatamo ng kapayapaan ng budhi,
Mos. 4:3. Kayganda sa mga bundok ang mga paa ng mga yaong naglalathala ng kapayapaan,
Mos. 15:14–18 (Is. 52:7). Si Alma ay nagsumamo sa Panginoon at natagpuan niya ang kapayapaan,
Alma 38:8. Ang mga espiritu ng yaong mabubuti ay tatanggapin sa kalagayan ng kapayapaan,
Alma 40:12. Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito?
D at T 6:23. Lumakad sa kaamuan ng aking Espiritu, at ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan sa akin,
D at T 19:23. Siya na gumagawa ng mga gawa ng kabutihan ay makatatanggap ng kapayapaan,
D at T 59:23. Damitan ang inyong sarili ng bigkis ng pag-ibig sa kapwa-tao, na bigkis ng pagiging ganap at kapayapaan,
D at T 88:125. Aking anak, kapayapaan ay sumaiyong kaluluwa,
D at T 121:7. Nalalamang may higit na kapayapaan, aking hinangad ang mga pagpapala ng mga ama,
Abr. 1:2.