Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kapalaluan
Kakulangan o kawalan ng kababaang-loob o pagkamadaling turuan. Ang kapalaluan ay nagtatakda sa tao na maging kaaway ng bawat isa at ng Diyos. Itinatalaga ng palalong tao ang kanyang sarili sa ibabaw ng mga yaong nakapalibot sa kanya at sinusunod ang kanyang sariling kalooban sa halip na ang kalooban ng Diyos. Ang pagmamalaki sa sarili, inggit, pagmamatigas ng puso, at pagmamataas ay pangkaraniwan din sa isang taong palalo.
Mag-ingat na huwag makalimutan ang Panginoon nang di maging mapagmataas sa iyong puso, Deut. 8:11–14. Kapalaluan at kahambugan ay aking kinamumuhian, Kaw. 8:13 (Kaw. 6:16–17). Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, Kaw. 16:18. Ang araw ng Panginoon ay dadalaw sa mga palalo, Is. 2:11–12 (2 Ne. 12:11–12). Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Obad. 1:3. Ang lahat ng palalo ay magiging parang dayami, Mal. 4:1 (1 Ne. 22:15; 3 Ne. 25:1; D at T 29:9). At sinumang magmamataas ay ibababa, Mat. 23:12 (D at T 101:42). Ang Diyos ay sumasalangsang sa mga palalo, 1 Ped. 5:5. Ang malaki at maluwang na gusali ang kapalaluan ng sanlibutan, 1 Ne. 11:36 (1 Ne. 12:18). Kung sila ay marurunong iniisip nila na sila ay matatalino, 2 Ne. 9:28–29. Kayo ay iniaangat sa kapalaluan ng inyong mga puso, Jac. 2:13, 16 (Alma 4:8–12). Nahubad na ba sa inyo ang kapalaluan? Alma 5:28. Labis na kapalaluan ang umusbong sa mga puso ng tao, Hel. 3:33–36. Kaybilis maiangat sa kapalaluan ang mga anak ng tao, Hel. 12:4–5. Ang kapalaluan ng bansang ito ang magpapatunay sa kanilang pagkalipol, Moro. 8:27. Mag-ingat sa kapalaluan, na baka kayo maging katulad ng mga Nephita, D at T 38:39. Tumigil sa lahat ng inyong kapalaluan at kahangalan, D at T 88:121.