|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kabaitan
Pagkamatapat at mataas na moralidad, kapangyarihan at lakas (Lu. 8:46), o kalinisang seksuwal ( Moro. 9:9).
Ikaw ay isang babaing mabait, Ruth 3:11. Siya na may malilinis na kamay at may pusong dalisay ay tatayo sa dakong banal ng Panginoon, Awit 24:3–4. Ang mabait na babae ay isang putong sa kanyang asawa, Kaw. 12:4. Ang halaga ng isang mabait na babae ay higit na makapupo kaysa mga rubi, Kaw. 31:10–31. Idagdag sa inyong pananampalataya ang kagalingan, 2 Ped. 1:5 ( D at T 4:6). Subukan ang bisa ng salita ng Diyos, Alma 31:5. Puspusin ng kabanalan ang iyong mga iniisip nang walang humpay, D at T 121:45. Naniniwala kami sa pagiging marangal, S ng P 1:13 (Fil. 4:8).
|