|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kaluluwa
Sa mga banal na kasulatan tumutukoy ang mga kaluluwa sa tatlong bagay: (1) mga espiritung nilalang, kapwa bago isilang at pagkamatay ( Alma 40:11–14; Abr. 3:23); (2) ang pinagsamang espiritu at katawan sa buhay na ito ( Abr. 5:7); at (3) isang taong walang kamatayan at nabuhay na mag-uli na ang espiritu at ang katawan ay hindi mapaghihiwalay ( Alma 40:23; D at T 88:15–16).
Ang dugo’y siyang tumutubos para sa kaluluwa, Lev. 17:11. Kanyang pinapanauli ang aking kaluluwa, Awit 23:3. Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong kaluluwa mo, Mat. 22:37 (Mar. 12:30). Nililinlang ng diyablo ang kanilang mga kaluluwa, 2 Ne. 28:21. Ialay ang inyong buong kaluluwa bilang handog sa kanya, Omni 1:26. Sinisimulang palakihin ng salita ang aking kaluluwa, Alma 32:28. Ang kanyang kaluluwa ay hindi kailanman magugutom ni mauuhaw, 3 Ne. 20:8. Pinababanal ang tinapay at tubig ng sakramento para sa mga kaluluwa ng mga yaong bumabahagi nito, Moro. 4–5 ( D at T 20:77–79). Ang mga manggagawa ng kaharian ay nagdadala ng kaligtasan sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod, D at T 4:2, 4. Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila, D at T 18:10. Kayo ay isinilang sa daigdig sa pamamagitan ng tubig, dugo, at espiritu, at naging isang kaluluwang may buhay, Moi. 6:59.
Kahalagahan ng mga kaluluwa: Ang lahat ng tao ay espiritung anak ng Diyos. Mahal niya ang bawat anak niya at mahalaga ang turing sa bawat isa. Sapagkat sila ay kanyang mga anak, may kakayahan silang maging katulad niya. Samakatwid, sila ay napakahalaga.
May tuwa sa isang makasalanang nagsisisi, Lu. 15:10. Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, Juan 3:16. Hindi nila maatim na ang kaluluwa ng sinumang tao ay masawi, Mos. 28:3. Hindi ba’t ang isang kaluluwa sa panahong ito ay kasinghalaga rin sa Diyos ng isang kaluluwa sa panahon ng kanyang pagparito? Alma 39:17. Ang bagay na pinakamahalaga sa iyo ay makapagdala ng mga kaluluwa sa akin, D at T 15:6. Alalahanin na dakila sa paningin ng Diyos ang kahalagahan ng mga kaluluwa, D at T 18:10–15. Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39.
|