Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kaloob Na Espiritu Santo
Karapatan ito ng bawat karapat-dapat na nabinyagang kasapi ng Simbahan na magkaroon ng palagiang panghihikayat ng Espiritu Santo. Kasunod ng pagbibinyag sa isang tao sa totoong Simbahan ni Jesucristo, matatanggap niya ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay mula sa isa na may karapatang magsagawa nito (Gawa 8:12–25; Moro. 2:1–3; D at T 39:23). Ang pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo ay kadalasang binabanggit bilang isang pagbibinyag ng apoy (Mat. 3:11; D at T 19:31).
Inutusan ang mga taong magsisi, magpabinyag, at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo, Gawa 2:38. Iginawad nina Pedro at Juan ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, Gawa 8:14–22. Ibinibigay ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, Gawa 19:2–6. Dumarating ang kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng apoy at ng Espiritu Santo, 2 Ne. 31:17. Naniniwala kami sa pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo, S ng P 1:4.