Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Kagalakan
Isang kalagayan ng malaking kaligayahan na nagmumula sa mabuting pamumuhay. Ang layunin ng buhay na ito ay upang magkaroon ng kagalakan ang lahat ng tao (2 Ne. 2:22–25). Ang lubos na kagalakan ay magmumula lamang sa pamamagitan ni Jesucristo (Juan 15:11; D at T 93:33–34; 101:36).
Mananagana rin ang maamo sa kanilang kagalakan sa Panginoon, Is. 29:19 (2 Ne. 27:30). Dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, Lu. 2:10. Walang makapag-aalis sa inyo ng inyong kagalakan, Juan 16:22. Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, Gal. 5:22. Pinuspos nito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan, 1 Ne. 8:12. Ang tao ay gayon upang sila ay magkaroon ng kagalakan, 2 Ne. 2:25. Ang kagalakan ng mabubuti ay malulubos magpakailanman, 2 Ne. 9:18. Sila ay mananahanan kasama ng Diyos sa kalagayan ng walang katapusang kaligayahan, Mos. 2:41. Tatalikuran ko ang lahat ng aking pag-aari nang matanggap ko ang labis na kagalakang ito, Alma 22:15. Baka sakali ako ay maging isang kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang madala ang ilang kaluluwa sa pagsisisi, at ito ang aking kagalakan, Alma 29:9. Anong galak, at anong kagila-gilalas na liwanag ang namasdan ko, Alma 36:20. Pupuspusin ng aking Espiritu ang iyong kaluluwa ng kagalakan, D at T 11:13. Anong laki ng inyong magiging kagalakan kasama niya sa kaharian ng aking Ama, D at T 18:15–16. Sa daigdig na ito ang inyong kagalakan ay hindi lubos, subalit sa akin ang inyong kagalakan ay lubos, D at T 101:36. Sa buhay na ito ako ay magkakaroon ng kagalakan, Moi. 5:10–11.