Banal na lakas, kapangyarihan, o impluho na nanggagaling sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo at nagbibigay ng buhay at ilaw sa lahat ng bagay. Ito ang batas kung saan ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan sa langit at sa lupa (
D at T 88:6–13). Tinutulungan din nito ang mga tao na maunawaan ang mga katotohanan ng ebanghelyo at tinutulungang ilagay sila sa daan ng ebanghelyo na naghahatid sa kaligtasan (Juan 3:19–21; 12:46;
Alma 26:15;
32:35;
D at T 93:28–29, 31–32, 40, 42).
Isang patunay na ang budhi ang ilaw ni Cristo, na tumutulong sa isang tao na pumili sa tama at mali (
Moro. 7:16). Habang natututo ang tao tungkol sa ebanghelyo, ang kanilang budhi ay nagiging madaling makaramdam (
Moro. 7:12–19). Ang mga taong nakikinig sa ilaw ni Cristo ay naaakay sa ebanghelyo ni Jesucristo (
D at T 84:46–48).
Ang Panginoon ay aking liwanag, Awit 27:1. Tayo ay magsilakad sa liwanag ng Panginoon, Is. 2:5 (
2 Ne. 12:5). Ang Panginoon ay magiging walang hanggang liwanag, Is. 60:19. Ang tunay na Ilaw ay lumiliwanag sa bawat tao na pumaparito sa daigdig, Juan 1:4–9 (Juan 3:19;
D at T 6:21;
34:1–3). Ako ang ilaw ng sanlibutan, Juan 8:12 (Juan 9:5;
D at T 11:28). Anuman ang maliwanag ay mabuti,
Alma 32:35. Si Cristo ang liwanag at buhay ng sanlibutan,
Alma 38:9 (
3 Ne. 9:18;
11:11;
Eter 4:12). Ang Espiritu ni Cristo ay ibinibigay sa lahat ng tao nang kanyang malaman ang mabuti sa masama,
Moro. 7:15–19. Yaong sa Diyos ay liwanag, at lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ganap na araw
D at T 50:24. Nagbibigay ng liwanag ang Espiritu sa bawat tao,
D at T 84:45–48 (
D at T 93:1–2). Siya na sumusunod sa kanyang mga kautusan ay tumatanggap ng liwanag at katotohanan,
D at T 93:27–28. Ang liwanag at katotohanan ay tinatalikdan yaong sa masama,
D at T 93:37.