Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Anak Na Lalaki At Babae Ng Diyos, Mga
Ginagamit ng mga banal na kasulatan ang mga katawagang ito sa dalawang pamamaraan. Sa isang kahulugan, lahat tayo ay literal na mga espiritung anak ng ating Ama sa Langit. Sa iba pang kahulugan, ang mga anak na lalaki at babae ng Diyos ay yaong mga isinilang muli sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo.
Mga espiritung anak ng Ama: Kayo’y mga diyos, mga anak ng Kataas-taasan, Awit 82:6. Tayo ay mga anak ng Diyos, Gawa 17:29. Tayo’y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, Heb. 12:9. Ako ay anak ng Diyos, Moi. 1:13.
Ang mga anak na isinilang muli sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala: Ang lahat ng sa kanya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, Juan 1:12 (Rom. 8:14; 3 Ne. 9:17; D at T 11:30). Ngayon ay mga anak tayo ng Diyos, 1 Juan 3:1–2. Kayo ay tatawaging mga anak ni Cristo, mga anak niyang lalaki at mga anak niyang babae, Mos. 5:7. Kinakailangang isilang na muli ang lahat ng tao, upang maging mga anak niyang lalaki at babae, Mos. 27:25. Sila ay magiging aking mga anak na lalaki at babae, Eter 3:14. Kayo ay tiyak na magiging isang anak ni Cristo, Moro. 7:19. Silang lahat na tumanggap ng aking ebanghelyo ay mga anak na lalaki at mga anak na babae, D at T 25:1. Sila ay mga diyos, maging ang mga anak ng Diyos, D at T 76:58. Sa gayon maaaring ang lahat ay maging aking mga anak, Moi. 6:68. Marami ang naniwala at naging mga anak ng Diyos, Moi. 7:1.