Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Aklat Ni Mormon
Isa sa apat na tomo ng mga banal na kasulatan na tinatanggap ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ito ay isang pinaikling ulat ng isang sinaunang propeta na nagngangalang Mormon sa mga talaan ng mga sinaunang nanirahan sa Amerika. Isinulat ito upang patotohanan na si Jesus ang Cristo. Hinggil sa talaang ito, ang Propetang si Joseph Smith, na siyang nagsalin nito sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos, ay nagsabi: “Sinabi ko sa mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ang pinakatumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alinmang aklat” (tingnan sa pambungad sa unahan ng Aklat ni Mormon).
Ang Aklat ni Mormon ay isang talaang may kinalaman sa relihiyon ng tatlong pangkat ng mga tao na mga nagsilikas mula sa Lumang Daigdig patungo sa mga lupalop ng Amerika. Pinamunuan ang mga pangkat na ito ng mga propeta na mga nagtala ng kanilang mga pangrelihiyon at pang-araw-araw na kasaysayan sa mga laminang metal. Natatala sa Aklat ni Mormon ang pagdalaw ni Jesucristo sa mga tao sa Amerika pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli. Dalawang daang taon ng kapayapaan ang sumunod sa pagdalaw ni Cristo.
Si Moroni, ang huli sa mga propetang Nephita na mananalaysay, ang nagtatak ng mga pinaikling talaan ng mga taong ito at itinago ito noong mga A.D. 421. Noong 1823, dinalaw ng nabuhay na mag-uling si Moroni si Joseph Smith at di naglaon ay ibinigay sa kanya ang sinauna at mga banal na talaang ito upang isalin at ilabas sa daigdig bilang isa pang tipan ni Jesucristo.
Si Jose ay sangang mabunga na ang mga sanga ay gumagapang sa pader, Gen. 49:22–26. Katotohanan ay bubukal sa lupa, Awit 85:11 (Morm. 8:16; Moi. 7:62). Magtataas ang Panginoon ng isang sagisag sa mga bansa at sisipulan ang mga ito, Is. 5:26. Isang tinig ang bubulong mula sa alabok, Is. 29:4 (2 Ne. 26:14–17). Ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo’y gaya ng mga salita ng aklat na may tatak, Is. 29:11 (Is. 29:9–18; 2 Ne. 27:6–26). Magiging isa ang mga talaan nina Jose at Juda sa kamay ng Panginoon, Ez. 37:15–20. Mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito, Juan 10:16 (3 Ne. 15:16–24). Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay magsasama, 2 Ne. 3:12–21. Titimo ang mga salita ng Panginoon hanggang sa mga dulo ng mundo, 2 Ne. 29:2. Nakipagtipan ang Panginoon kay Enos na dadalhin ang Aklat ni Mormon sa mga Lamanita, Enos 1:15–16. Isinulat ang Aklat ni Mormon sa layuning maniwala tayo sa Biblia, Morm. 7:9. Tatayong isang patotoo ang Aklat ni Mormon laban sa sanlibutan, Eter 5:4. Itanong sa Diyos kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo, Moro. 10:4. Nagpatotoo si Cristo na ang Aklat ni Mormon ay totoo, D at T 17:6. Nilalaman ng Aklat ni Mormon ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, D at T 20:9 (D at T 20:8–12; 42:12). Naniniwala kami na ang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos, S ng P 1:8.