Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Aklat Ng Mga Kautusan
Noong 1833, ilang bilang ng mga paghahayag na natanggap ng Propetang si Joseph Smith ang inihanda upang mailimbag sa ilalim ng pamagat na Aklat ng mga Kautusan para sa Pamahalaan sa Simbahan ni Cristo. Patuloy na nakipag-ugnayan ang Panginoon sa kanyang mga tagapaglingkod, at isang pinalakihang pinagsama-samang mga paghahayag ang inilimbag makalipas ang dalawang taon bilang Doktrina at mga Tipan.
Ang D at T 1 ang paunang salita ng Panginoon sa aklat ng kanyang mga kautusan, D at T 1:6. Hinamon ng Panginoon ang pinakamarunong na tao na tularan ang pinakamaliit sa kanyang mga paghahayag sa Aklat ng mga Kautusan, D at T 67:4–9. Naghirang ng mga katiwala sa paglalathala ng mga paghahayag, D at T 70:1–5.