Ang unang taong nilalang sa mundo.
Si Adan ang ama at patriyarka ng sangkatauhan sa mundo. Ang kanyang paglabag sa Halamanan ng Eden (Gen. 3;
D at T 29:40–42;
Moi. 4) ang naging sanhi ng kanyang “pagkahulog” at naging mortal, isang hakbang na kinakailangan upang ang sangkatauhan ay umunlad sa mundong ito (
2 Ne. 2:14–29;
Alma 12:21–26). Sina Adan at Eva, kung gayon, ay nararapat purihin dahil sa tungkuling kanilang ginampanan upang magkaroon tayo ng walang hanggang pag-unlad. Si Adan ang Matanda ng mga Araw at kilala rin bilang si Miguel (Dan. 7;
D at T 27:11;
107:53–54; 116;
138:38). Siya ang arkanghel at muling paparito sa mundo bilang patriyarka ng mag-anak ng tao, bilang paghahanda sa ikalawang pagparito ni Jesucristo (
D at T 29:26).
Nilalang ng Diyos ang tao alinsunod sa sarili niyang larawan, Gen. 1:26–28 (
Moi. 2:26–28;
Abr. 4:26–28). Binigyan ng Diyos ang tao ng kapangyarihan sa lahat ng bagay at inutusan siyang magpakarami at kalatan ang mundo, Gen. 1:28–31 (
Moi. 2:28–31;
Abr. 4:28–31). Inilagay ng Diyos sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden at sila ay pinagbawalang kumain sa punungkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, Gen. 2:7–9, 15–17 (
Moi. 3:7–9, 15–17;
Abr. 5:7–13). Pinangalanan ni Adan ang lahat ng nabubuhay na kinapal, Gen. 2:19–20 (
Moi. 3:19–20;
Abr. 5:20–21). Sina Adan at Eva ay ikinasal ng Diyos, Gen. 2:18–25 (
Moi. 3:18–25;
Abr. 5:14–21). Tinukso ni Satanas sina Adan at Eva, kumain ng ipinagbabawal na bunga, at pinalayas sa Halamanan ng Eden, Gen. 3 (
Moi. 4). Si Adan ay 930 taong gulang sa kanyang kamatayan, Gen. 5:5 (
Moi. 6:12). Si Adan ang unang tao,
D at T 84:16. Bago ang kanyang kamatayan ay tinipon ni Adan ang mabubuti sa kanyang angkan sa Adan-ondi-Ahman at binasbasan sila,
D at T 107:53–57. Nag-alay si Adan ng hain,
Moi. 5:4–8. Bininyagan si Adan, natanggap ang Espiritu Santo at inorden sa pagkasaserdote,
Moi. 6:51–68.