Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ETER
KABANATA 9
  20 At sa gayon ibinuhos ng Panginoon ang kanyang mga pagpapala sa lupaing ito, na apinili sa lahat ng iba pang lupain; at iniutos niya na sinuman ang mag-aangkin sa lupain ay nararapat na angkinin ito para sa Panginoon, o sila’y bmalilipol kapag hinog na sila sa kasamaan; sapagkat sa gayon, wika ng Panginoon: Ibubuhos ko ang kaganapan ng aking kapootan.

Mga Talababa
20a
Eter 2:15.
  15 At ang kapatid ni Jared ay nagsisi sa kasamaang nagawa niya, at nanawagan sa pangalan ng Panginoon para sa kanyang mga kapatid na kasama niya. At sinabi ng Panginoon sa kanya: Patatawarin kita at ang iyong mga kapatid sa kanilang mga kasalanan; subalit hindi ka na magkakasalang muli, sapagkat tandaan mo na ang aking aEspiritu ay hindi laging bkasama ng tao; anupa’t kung magkakasala ka hanggang sa ganap ka nang mahinog ay mawawalay ka mula sa harapan ng Panginoon. At ito ang aking mga nasasaisip sa lupaing ibibigay ko sa inyo bilang inyong mana; sapagkat ito ay magiging lupaing cpinili sa lahat ng ibang lupain.
b
Eter 2:8–11.
  8 At siya ay nanumpa sa kanyang kapootan sa kapatid ni Jared, na sinuman ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito, mula sa panahong yaon at magpakailanman, ay dapat amagsilbi sa kanya, ang tunay at tanging Diyos, o sila ay blilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila.