ANG AKLAT NI ETER
KABANATA 2
Ang mga Jaredita ay naghanda para sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang pangako—Ito ay piling lupain kung saan ay kailangang magsilbi ang mga tao kay Cristo o malilipol—Ang Panginoon ay nakipag-usap sa kapatid ni Jared sa loob ng tatlong oras—Ang mga Jaredita ay gumawa ng mga gabara—Tinanong ng Panginoon ang kapatid ni Jared na magmungkahi kung paano iilawan ang mga gabara.
1
At ito ay nangyari na, na si Jared at ang kanyang kapatid, at ang kanilang mga mag-anak, at ang mga kaibigan din ni Jared at ng kanyang kapatid at ang kanilang mga mag-anak, ay bumaba sa lambak na pahilaga, (at ang pangalan ng lambak ay aNimrod, na tinawag alinsunod sa mahusay na mangangaso) kasama ang kanilang mga kawan na kanilang tinipong magkakasama, lalaki’t babae, ng bawat uri.
2
At sila ay naglatag din ng mga bitag at nanghuli ng mga ibon ng himpapawid; at sila ay naghanda rin ng lalagyan, kung saan nila dinala ang isda ng mga tubig.
3
At sila ay nagdala rin ng deseret, na, kung isasalin, ay pukyutan; at sa gayon sila nakapagdala ng mga kuyog ng mga bubuyog, at lahat ng uri ng yaong nasa ibabaw ng lupain, mga binhi ng bawat uri.
4
At ito ay nangyari na, nang sila ay makababa sa lambak ng Nimrod na ang Panginoon ay bumaba at nakipag-usap sa kapatid ni Jared; at siya ay nasa aulap, at hindi siya nakita ng kapatid ni Jared.
5
At ito ay nangyari na, na inutusan sila ng Panginoon na sila ay magtungo sa ilang, oo, patungo sa dakong yaon na hindi pa naparoroonan ng tao. At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay humayo sa unahan nila, at nakipag-usap sa kanila habang siya ay nakatayo sa aulap, at nagbigay ng mga tagubilin kung saan sila maglalakbay.
6
At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay sa ilang, at gumawa ng mga gabara, kung saan sila nakatawid sa maraming tubig, patuloy na binibigyang-tagubilin ng kamay ng Panginoon.
7
At hindi pinahintulutan ng Panginoon na sila ay tumigil sa kabilang dako ng dagat sa ilang, kundi ninais niyang makalabas sila maging hanggang sa alupang pangako, na pinili sa lahat ng ibang lupain, na inilalaan ng Panginoong Diyos para sa mabubuting tao.
8
At siya ay nanumpa sa kanyang kapootan sa kapatid ni Jared, na sinuman ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito, mula sa panahong yaon at magpakailanman, ay dapat amagsilbi sa kanya, ang tunay at tanging Diyos, o sila ay blilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila.
9
At ngayon, namamasdan natin ang utos ng Diyos hinggil sa lupaing ito, na ito ay lupang pangako; at anumang bansa ang mag-aangkin nito ay magsisilbi sa Diyos, o sila ay lilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila. At ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila kapag nahinog na sila sa kasamaan.
10
Sapagkat masdan, ito ay lupaing pinili sa lahat ng ibang lupain; kaya nga, siya na mag-aangkin nito ay magsisilbi sa Diyos o malilipol; sapagkat ito ang walang hanggang utos ng Diyos. At tanging sa aganap na kasamaan lamang ng mga anak ng lupain, kung kaya’t sila ay blilipulin.
11
At makararating ito sa inyo, O kayong mga aGentil, upang malaman ninyo ang mga utos ng Diyos—upang kayo ay makapagsisi, at huwag magpatuloy sa inyong mga kasamaan hanggang sa ang kaganapan ay dumating, upang hindi ninyo dalhin ang kaganapan ng kapootan ng Diyos sa inyong sarili tulad ng nagawa noon ng mga nanirahan sa lupain.
12
Masdan, ito ay piling lupain, at anumang bansa ang mag-aangkin nito ay magiging amalaya mula sa pagkaalipin, at sa pagkabihag, at sa lahat ng ibang bansa sa silong ng langit, kung bpagsisilbihan lamang nila ang Diyos ng lupain, na si Jesucristo, na siyang ipinakikilala ng mga bagay na isinulat namin.
13
At ngayon, ako ay magpapatuloy sa aking talaan; sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na dinala ng Panginoon si Jared at ang kanyang mga kapatid maging hanggang sa malawak na dagat na yaon na naghahati sa mga lupain. At nang makarating na sila sa dagat ay itinayo nila ang kanilang mga tolda; at tinawag nila ang pangalan ng lugar na Moriancumer; at sila ay nanirahan sa mga tolda, at nanirahan sa mga tolda sa may dalampasigan sa loob ng apat na taon.
14
At ito ay nangyari na, na sa pagtatapos ng apat na taon ay muling dumalaw ang Panginoon sa kapatid ni Jared, at tumayo sa ulap at nakipag-usap sa kanya. At sa loob ng tatlong oras nakipag-usap ang Panginoon sa kapatid ni Jared, at siya ay apinagsabihan dahil sa hindi niya naalaalang bmanawagan sa pangalan ng Panginoon.
15
At ang kapatid ni Jared ay nagsisi sa kasamaang nagawa niya, at nanawagan sa pangalan ng Panginoon para sa kanyang mga kapatid na kasama niya. At sinabi ng Panginoon sa kanya: Patatawarin kita at ang iyong mga kapatid sa kanilang mga kasalanan; subalit hindi ka na magkakasalang muli, sapagkat tandaan mo na ang aking aEspiritu ay hindi laging bkasama ng tao; anupa’t kung magkakasala ka hanggang sa ganap ka nang mahinog ay mawawalay ka mula sa harapan ng Panginoon. At ito ang aking mga nasasaisip sa lupaing ibibigay ko sa inyo bilang inyong mana; sapagkat ito ay magiging lupaing cpinili sa lahat ng ibang lupain.
16
At sinabi ng Panginoon: Humayo’t gumawa at magtayo, alinsunod sa uri ng mga gabara na inyong nagawa na. At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Jared ay humayo’t gumawa, at gayon din ang kanyang mga kapatid, at gumawa ng mga gabara alinsunod sa uri na kanilang nagawa na, alinsunod sa mga atagubilin ng Panginoon. At ang mga ito ay maliliit, at ang mga ito ay magagaan sa tubig, maging tulad ng gaan ng isang ibon sa tubig.
17
At ang mga ito ay ginawa alinsunod sa uri na labis na amahigpit, maging sa ang mga ito ay makalalaman ng tubig tulad ng isang pinggan; at ang ilalim niyon ay mahigpit tulad ng isang pinggan; at ang gilid niyon ay mahigpit tulad ng isang pinggan; at ang mga dulo niyon ay patulis; at ang ibabaw niyon ay mahigpit tulad ng isang pinggan; at ang haba niyon ay ang haba ng isang punungkahoy; at ang pintuan niyon, kapag ito ay nakasara, ay mahigpit tulad ng isang pinggan.
18
At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Jared ay nagsumamo sa Panginoon, sinasabing: O Panginoon, nagawa ko na ang gawaing iniutos ninyo sa akin, at nagawa ko na ang mga gabara alinsunod sa tagubilin ninyo sa akin.
19
At masdan, O Panginoon, sa loob nito ay walang liwanag; paano kami mapapatnubayan? At kami ay masasawi rin, sapagkat sa loob nito ay hindi kami makahihinga, maliban lamang sa hangin na nasa loob nito; anupa’t kami ay masasawi.
20
At sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared: Masdan, gagawa ka ng butas sa ibabaw, at gayon din sa ilalim; at kapag nangangailangan kayo ng hangin ay aalisin ninyo ang takip ng butas at makatatanggap ng hangin. At kung sakaling makapasok ang tubig sa inyo, masdan, tatakpan ninyo ang butas, upang hindi kayo mamatay sa baha.
21
At ito ay nangyari na, na ginawa nga ito ng kapatid ni Jared, alinsunod sa ipinag-utos ng Panginoon.
22
At siya ay muling nagsumamo sa Panginoon, sinasabing: O Panginoon, masdan ginawa ko maging ang iniutos ninyo sa akin; at inihanda ko ang mga sasakyang-dagat para sa aking mga tao, at masdan walang liwanag sa loob nito. Masdan, O Panginoon, pahihintulutan ba ninyong tawirin namin ang malawak na tubig na ito sa kadiliman?
23
At sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared: Ano ang nais mong gawin ko upang magkaroon ng liwanag sa inyong mga sasakyang-dagat? Sapagkat masdan, hindi kayo maaaring maglagay ng mga bintana, sapagkat ang mga ito ay madudurog nang pira-piraso; ni hindi kayo maaaring magpaningas ng apoy, sapagkat hindi kayo hahayo sa pamamagitan ng liwanag ng apoy.
24
Sapagkat masdan, kayo ay matutulad sa balyena sa gitna ng dagat; sapagkat ang mga malabundok na alon ay hahampas sa inyo. Gayon pa man, muli ko kayong ilalabas mula sa kailaliman ng dagat; sapagkat ang mga ahangin ay nanggagaling mula sa aking bibig, at gayon din ang mga bulan at ang mga baha ay aking ipinadala.
25
At masdan, inihahanda ko kayo laban sa mga bagay na ito; sapagkat hindi kayo maaaring tumawid sa malawak na kailalimang ito maliban lamang kung ihahanda ko kayo laban sa mga alon ng dagat, at sa mga hanging umiihip, at sa mga bahang darating. Kaya nga ano ang nais mong ihanda ko para sa inyo upang kayo ay magkaroon ng liwanag kapag nilulon na kayo sa mga kailaliman ng dagat?
|