Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ETER
KABANATA 2
  15 At ang kapatid ni Jared ay nagsisi sa kasamaang nagawa niya, at nanawagan sa pangalan ng Panginoon para sa kanyang mga kapatid na kasama niya. At sinabi ng Panginoon sa kanya: Patatawarin kita at ang iyong mga kapatid sa kanilang mga kasalanan; subalit hindi ka na magkakasalang muli, sapagkat tandaan mo na ang aking aEspiritu ay hindi laging bkasama ng tao; anupa’t kung magkakasala ka hanggang sa ganap ka nang mahinog ay mawawalay ka mula sa harapan ng Panginoon. At ito ang aking mga nasasaisip sa lupaing ibibigay ko sa inyo bilang inyong mana; sapagkat ito ay magiging lupaing cpinili sa lahat ng ibang lupain.

Mga Talababa
15a
Eter 15:19.
  19 Subalit masdan, ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil na sa pamamatnubay sa kanila, at si aSatanas ay may ganap nang kapangyarihan sa mga puso ng mga tao; sapagkat sila ay nagpadala sa katigasan ng kanilang mga puso, at sa pagkabulag ng kanilang mga isipan upang sila ay malipol; anupa’t sila ay muling humayo upang makidigma.
b
Gen. 6:3.
2 Ne. 26:11.
  11 Sapagkat hindi tuwinang anananatili sa tao ang Espiritu ng Panginoon. At kapag wala na ang Espiritu ng Panginoon sa tao ay sasapit ang mabilis na pagkalipol, at ito ang ipinagdaramdam ng aking kaluluwa.
Morm. 5:16.
  16 Sapagkat masdan, ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil nang amamalagi sa kanilang mga ama; at sila’y walang Cristo at Diyos sa daigdig; at sila ay itinataboy tulad ng bipa sa hangin.
c
Eter 9:20.
  20 At sa gayon ibinuhos ng Panginoon ang kanyang mga pagpapala sa lupaing ito, na apinili sa lahat ng iba pang lupain; at iniutos niya na sinuman ang mag-aangkin sa lupain ay nararapat na angkinin ito para sa Panginoon, o sila’y bmalilipol kapag hinog na sila sa kasamaan; sapagkat sa gayon, wika ng Panginoon: Ibubuhos ko ang kaganapan ng aking kapootan.