Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ETER
KABANATA 12
  23 At sinabi ko sa kanya: Panginoon, kukutyain ng mga Gentil ang mga bagay na ito, dahil sa aming akahinaan sa pagsusulat; sapagkat Panginoon, ginawa ninyo kaming mahusay sa pananalita sa pamamagitan ng pananampalataya, subalit hindi ninyo kami ginawang bmahusay sa pagsusulat; sapagkat ginawa ninyo na ang lahat ng taong ito ay makapangusap nang labis, dahil sa Espiritu Santo na ipinagkaloob ninyo sa kanila;

Mga Talababa
23a
Morm. 8:17.
  17 At kung mayroon mang mga apagkakamali, yaon ay mga kamalian ng tao. Ngunit masdan, wala kaming alam na kamalian; gayunman, nalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay; kaya nga, siya na bhahatol, papag-ingatin siya at baka siya ay manganib sa apoy ng impiyerno.
Morm. 9:33.
  33 At kung ang aming mga lamina ay naging sapat ang laki ay isinulat sana namin ito sa Hebreo; ngunit binago rin namin ang Hebreo; at kung kami ay sumulat sa Hebreo, masdan, kayo ay hindi makakikita ng kahinaan sa aming talaan.
b
2 Ne. 33:1.
  1 At ngayon ako, si Nephi, ay hindi maisusulat ang lahat ng bagay na itinuro sa aking mga tao; ni ako ay hindi amagaling sa pagsusulat, na tulad sa pagsasalita; sapagkat kapag ang isang tao ay bnagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagdadala nito sa puso ng mga anak ng tao.