ANG AKLAT NI ENOS
20
At ako ay nagpapatotoo na ang mga tao ni Nephi ay buong sigasig na nagsikap upang mapanumbalik ang mga Lamanita sa tunay na pananampalataya sa Diyos. Ngunit ang aming mga ay nawalan ng saysay; ang kanilang poot ay di matinag, at sila ay naakay ng kanilang likas na kasamaan kaya nga’t sila ay naging mababangis, at malulupit, at mga taong buhaw sa dugo, puno ng pagsamba sa cdiyus-diyusan at karumihan; nabubusog sa mga hayop na maninila; nananahanan sa mga tolda, at gumagala sa ilang na may isang maigsing bigkis na balat sa kanilang mga balakang at ang kanilang mga ulo ay ahit; at ang kanilang kahusayan ay sa dpana, at sa simitar at sa palakol. At karamihan sa kanila ay hindi kumakain maliban sa ito ay hilaw na karne; at sila ay patuloy na naghahangad na lipulin kami.
Mga Talababa
|