Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ENOS
  13 At ngayon, masdan, ito ang naising hiniling ko sa kanya—na kung mangyayari, na ang aking mga tao, ang mga Nephita, ay mahuhulog sa paglabag, at sa anumang paraan ay amalipol, at ang mga Lamanita ay hindi malilipol, na ang Panginoong Diyos ay bmangangalaga ng talaan ng aking mga tao, ang mga Nephita; maging ito man ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang banal na bisig, nang ito ay cmadala sa mga darating na araw sa mga Lamanita, na baka sakali, sila ay dmadala sa kaligtasan—

Mga Talababa
13a
Morm. 6:1, 6.
  1 At ngayon, tatapusin ko ang aking talaan hinggil sa apagkalipol ng aking mga tao, ang mga Nephita. At ito ay nangyari na, na kami ay humayo sa harapan ng mga Lamanita.
b
S ni M 1:6–11.
  6 Subalit masdan, kukunin ko ang mga laminang ito, na naglalaman ng mga pagpopropesiyang ito at mga paghahayag, at isasama ang mga ito sa mga labi ng aking talaan, sapagkat mahahalaga ang mga ito sa akin; at nalalaman kong magiging mahalaga ang mga ito sa aking mga kapatid.
Alma 37:2.
  2 At inuutusan din kita na mag-ingat ng isang talaan ng mga taong ito, tulad ng ginawa ko, sa mga lamina ni Nephi, at panatilihing banal ang lahat ng bagay na ito na aking iningatan, maging tulad ng pag-iingat ko sa mga ito; sapagkat ang mga ito ay iniingatan para sa isang amatalinong layunin.
c
Alma 37:19.
  19 At ngayon masdan, isang layunin ang tinupad na niya, maging sa pagpapanumbalik sa amaraming libu-libong Lamanita sa kaalaman ng katotohanan; at ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan sa kanila, at kanya pa ring ipakikita ang kanyang kapangyarihan sa kanila hanggang sa mga bdarating na salinlahi; anupa’t ang mga ito ay pangangalagaan.
Eter 12:22.
  22 At sa pamamagitan ng pananampalataya ay natamo ng aking mga ama ang apangako na ipahahayag ang mga bagay na ito sa kanilang mga kapatid sa pamamagitan ng mga Gentil; kaya nga, ako ay inutusan ng Panginoon, oo, maging ni Jesucristo.
D at T 3:18.
  18 At ang apatotoong ito ay makararating sa kaalaman ng mga bLamanita, at sa mga Lemuelita, at sa mga Ismaelita, na cnanghina sa kawalang-paniniwala dahil sa kasamaan ng kanilang mga ama, na hinayaan ng Panginoon na dlipulin ang kanilang mga kapatid na mga Nephita, dahil sa kanilang mga kasamaan at kanilang mga karumal-dumal na gawain.
d
Alma 9:17.
  17 At balang araw sila ay amadadalang maniwala sa kanyang salita, at malalaman ang kamalian ng mga kaugalian ng kanilang mga ama; at marami sa kanila ang maliligtas, sapagkat ang Panginoon ay magiging maawain sa lahat ng bmananawagan sa kanyang pangalan.