Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 135
  6 Si Hyrum Smith ay apatnapu at apat na taong gulang noong Pebrero, 1844, at si Joseph Smith ay tatlumpu at walo noong Disyembre, 1843; at mula ngayon ang kanilang mga pangalan ay mabibilang sa mga martir ng relihiyon; at ang mga mambabasa sa lahat ng bansa ay mapaaalalahanan na ang Aklat ni Mormon, at ang aklat na ito ng Doktrina at mga Tipan ng simbahan, ay binayaran ng pinakamahusay na dugo ng ikalabingsiyam na siglo upang ilabas ang mga ito para sa kaligtasan ng isang nawasak na daigdig; at kung ang apoy ay makatutupok ng isang aluntiang puno para sa kaluwalhatian ng Diyos, gaano kadali nitong susunugin ang mga tuyong puno upang padalisayin ang ubasan ng kabulukan. Sila ay nabuhay para sa kaluwalhatian; sila ay namatay para sa kaluwalhatian; at kaluwalhatian ang kanilang walang hanggang gantimpala. Sa pana-panahon ang kanilang mga pangalan ay maipapasa sa mga angkang susunod gaya ng mga hiyas para sa mga pinabanal.

Mga Talababa
6a
Lu. 23:31.