ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 135
4
Nang si Joseph ay magtungo sa Carthage upang isuko ang kanyang sarili sa mga pakunwaring hinihingi ng batas, dalawa o tatlong araw bago ang pagpatay sa kanya, sinabi niya: “Ako ay patutungong gaya ng isang sa katayan; subalit ako ay mahinahon gaya ng isang umaga sa tag-araw; ako ay may budhi na walang kasalanan sa harapan ng Diyos, at sa lahat ng tao. Ako ay mamamatay na walang kasalanan, at ito ang masasabi tungkol sa akin—siya ay pinaslang nang walang habag.”—Sa umaga ring yaon, pagkatapos makapaghandang umalis si Hyrum—masasabi bang sa katayan? oo, sapagkat gayon na nga ito—binasa niya ang sumusunod na talata, sa bandang katapusan ng ikalabindalawang kabanata ng Eter, sa Aklat ni Mormon, at binuklat ang dahon sa ibabaw nito:
Mga Talababa
|