1
UPANG tatakan ang patotoo ng aklat na ito at ng Aklat ni Mormon, aming ipinaaalam ang
apagkakamartir nina Smith, ang Propeta, at Hyrum Smith, ang Patriyarka. Sila ay binaril sa piitan ng
cCarthage noong ika-27 ng Hunyo, 1844, mga ikalima ng gabi, ng mga armadong mandurumog—na napipinturahang itim—na mga 150 hanggang 200 katao. Si
dHyrum ang nabaril na una at bumagsak nang mahinahon, napabulalas:
Ako ay isa nang patay na tao! Si Joseph ay lumundag mula sa bintana, at nabaril sa kanyang pagtatangka, napabulalas:
O Panginoon kong Diyos! Sila ay kapwa binaril pagkatapos na sila ay mamatay, sa isang malupit na pamamaraan, at kapwa nakatanggap ng apat na bala.