Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print  
ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN
BAHAGI 13
  1 SA inyo na aking kapwa tagapaglingkod, sa pangalan ng Mesiyas aking aiginagawad ang bPagkasaserdoteng Aaron, na may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga canghel, at ng ebanghelyo ng dpagsisisi, at ng epagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; at ito ay hindi na muling kukunin sa mundo, hanggang ang mga anak na lalaki ni fLevi ay mag-alay muli ng handog sa Panginoon sa gkabutihan.

Mga Talababa
1a
JS—K 1:68–75.
  68 Ipinagpatuloy pa rin namin ang gawain ng pagsasalin, nang, isang araw ng sumunod na buwan (Mayo, 1829), kami ay nagtungo sa kakahuyan upang manalangin at magtanong sa Panginoon hinggil sa apagbibinyag para sa bkapatawaran ng mga kasalanan, na natagpuan naming nabanggit sa pagkakasalin ng mga lamina. Habang kami ay nasa gayong ayos, nananalangin at nananawagan sa Panginoon, isang csugo mula sa langit ang bumaba sa isang dulap ng liwanag, at habang nakapatong ang kanyang mga ekamay sa amin, finordenan niya kami, sinasabing:
b
D at T 27:8.
  8 Si Juan na isinugo ko sa inyo, aking mga tagapaglingkod, Joseph Smith, Jun., at Oliver Cowdery, upang ordenan kayo sa unang apagkasaserdote na inyong tinanggap, upang kayo ay matawag at bmaordenan maging tulad ni cAaron;
D at T 84:18–34.
  18 At pinagtibay rin ng Panginoon ang apagkasaserdote kay bAaron at sa kanyang binhi, hanggang sa lahat ng kanilang salinlahi, kung aling pagkasaserdote rin ay magpapatuloy at cmananatili magpakailanman kasama ng pagkasaserdote na alinsunod sa pinakabanal na orden ng Diyos.
c
d
e
f
Tingnan ang ulat ni Oliver Cowdery sa pagpapanumbalik ng Pagkasaserdoteng Aaron sa hulihan ng Joseph Smith—Kasaysayan.
Deut. 10:8.
1 Cron. 6:48.
D at T 128:24.
  24 Masdan, ang dakilang aaraw ng Panginoon ay nalalapit na; at sino ang bmakatatahan sa araw ng kanyang pagparito, at sino ang makatatayo kapag siya ay pakikita? Sapagkat siya ay parang apoy ng cmangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi; at siya ay mauupong gaya ng dmangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kanyang dadalisayin ang mga anak na lalaki ni eLevi, at kanyang pakikinising parang ginto at pilak, upang sila ay fmakapaghain sa Panginoon ng mga handog sa kabutihan. Tayo, samakatwid, bilang isang simbahan at mga tao, at bilang mga Banal sa mga Huling Araw, maghain sa Panginoon ng isang handog sa kabutihan; at ating ialay sa kanyang banal na templo, kapag ito ay natapos na, ang isang aklat na naglalaman ng mga gtalaan ng ating mga patay, na magiging karapat-dapat sa lahat ng pagtanggap.
g