|
MGA MAPANG NG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN
Hilagang-Silangan Ng Estados Unidos
1. Topsfield Ang lugar ng kapanganakan ni Joseph Smith Sr., isinilang noong ika-12 ng Hulyo 1771.
2. Gilsum Dito isinilang si Lucy Mack, ika-8 ng Hulyo 1775.
3. Tunbridge Dito ikinasal sina Joseph Smith Sr. at Lucy Mack, ika-24 ng Enero 1796.
4. Whitingham Ang lugar ng kapanganakan ni Brigham Young, isinilang noong ika-1 ng Hunyo 1801.
5. Harmony Isinilang si Emma Hale sa Kabayanan ng Harmony, ika-10 ng Hulyo 1804.
6. Sharon Dito isinilang si Joseph Smith Jr., ika-23 ng Disyembre 1805 (tingnan sa JS—K 1:3).
7. Lebanon Ang mag-anak na Smith ay nanirahan sa Kabayanan ng Lebanon magmula 1811 hanggang 1813, noong panahong iyon makailang beses dumanas ng operasyon sa binti si Joseph Smith Jr.
8. Norwich Ang mag-anak na Smith ay nanirahan dito magmula 1814 hanggang 1816 bago lumipat sa Palmyra.
9. Palmyra Dito lumipat ang mag-anak na Smith noong 1816 (tingnan sa JS—K 1:3).
|