Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan
Mga Mapang May Kinalaman sa Biblia
Ang mga sumusunod na mapa ay inilaan upang makatulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at inihanda upang makadagdag sa mga paglalahad na napapaloob sa mga tagubilin sa mga kurso sa Simbahan.
Ang mga balangkas sa itaas ng mapa ang tumutukoy kung saan nakatuon ang bawat mapang may bilang na kasunod nito. Ang mga mapang ito ay binubuo ng malalaking rehiyon at maging ng mga natatakdaang dakong heograpiko.
Ang mga sumusunod ay susi sa pag-unawa sa iba’t ibang tanda at titik na ginamit sa mga mapa. Bilang karagdagan, ang bawat mapa ay nalalakipan ng mga susing paliwanag sa mga dagdag na tanda na nauukol lamang sa mismong mapang yaon.
Isang pulang tuldok na sumasagisag sa isang lunsod o bayan. Isang guhit ang paminsan-minsang nakaturo magmula sa tuldok sa pangalan ng isang lunsod o lugar.
Isang maliit na itim na tatsulok na sumasagisag sa isang bundok.
Patay na Dagat Ang titik na ito ay ginagamit para sa mga heograpikong lugar na tulad ng mga karagatan, lawa, ilog, bundok, ilang, lambak, disyerto, at pulo.
Jerusalem Ang titik na ito ay ginagamit para sa lahat ng lunsod at bayan (at para sa mga detalyadong lugar sa mapa ng lunsod ng Jerusalem).
Moab Ang titik na ito ay ginagamit para sa mas maliliit na pagkakahating politikal na tulad ng mga rehiyon, tao, at lipi.
Judea Ang titik na ito ay ginagamit para sa mas malalaking pagkakahating politikal na tulad ng mga bansa, bayan, at lupalop.