Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ALMA
ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA
Binubuo ng mga kabanata 36 at 37.
KABANATA 36
  29 Oo, at inilabas din niya ang ating mga ama sa lupain ng Jerusalem; at pinalaya rin niya sila, sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang kapangyarihan, sa apagkaalipin at pagkabihag, sa pana-panahon, maging hanggang sa ngayon; at parati kong pinananatili sa aking alaala ang kanilang naging pagkabihag; oo, nararapat mo ring panatilihin sa alaala, tulad ng ginawa ko, ang kanilang naging pagkabihag.

Mga Talababa
29a
Mos. 24:17.
  17 At sinabi niya kay Alma: Mamumuno ka sa mga taong ito, at makakasama ninyo ako at palalayain ang mga taong ito mula sa apagkaalipin.
Mos. 27:16.
  16 Ngayon sinabi ko sa inyo: Humayo, at alalahanin ang pagkakabihag ng inyong mga ama sa lupain ng Helam, at sa lupain ng Nephi; at pakatandaan kung gaano kadakila ang mga bagay na kanyang ginawa para sa kanila; sapagkat sila ay nasa pagkaalipin, at kanyang apinalaya sila. At ngayon sinasabi ko sa iyo, Alma, humayo ka sa iyong landas, at huwag nang muling hangarin pang wasakin ang simbahan, upang ang kanilang mga panalangin ay matugon, at ito ay kahit na nga ikaw sa iyong sarili ay itakwil.
Alma 5:5–6.
  5 At masdan, pagkatapos niyon, sila ay dinala sa apagkaalipin ng mga kamay ng mga Lamanita sa ilang; oo, sinasabi ko sa inyo, sila ay nasa pagkabihag, at muli silang pinalaya ng Panginoon mula sa kanilang bpagkaalipin sa kapangyarihan ng kanyang salita; at kami ay dinala sa lupaing ito, at dito ay sinimulan naming magtatag ng simbahan ng Diyos sa lahat ng dako ng lupain ding ito.