Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI ALMA
ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA
Binubuo ng mga kabanata 17 hanggang 27 na pinagsama-sama.
KABANATA 17
  9 At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay ng maraming araw sa ilang, at sila ay labis na nag-ayuno at labis na ananalangin upang pagkalooban sila ng Panginoon ng bahagi ng kanyang Espiritu upang makasama nila, at manatili sa kanila, upang sila’y maging mga bkasangkapan sa mga kamay ng Diyos na madala, kung maaari, ang kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita, sa kaalaman ng katotohanan, sa kaalaman ng kawalang-batayan ng mga ckaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.

Mga Talababa
9a
Alma 25:17.
  17 At ngayon masdan, sina Ammon at Aaron, at Omner, at Himni, at kanilang mga kapatid ay labis na nagsaya, dahil sa tagumpay na natamo nila sa mga Lamanita, nakikitang ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila ang naaayon sa kanilang mga apanalangin, at pinatunayan din niya ang kanyang salita sa kanila sa kaliit-liitang bagay.
b
Alma 26:3.
  3 Masdan, ako ang siyang tutugon para sa inyo; sapagkat ang ating mga kapatid, ang mga Lamanita, noon ay nasa kadiliman, oo, maging sa pinakamadilim na kailaliman, subalit masdan, akayrami sa kanila ang nadala na mamasdan ang kagila-gilalas na liwanag ng Diyos! At ito ang pagpapalang ipinagkaloob sa atin, na tayo ay gawing mga bkasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang maisagawa ang dakilang gawaing ito.
c
Alma 3:10–12.
  10 Kaya nga, sino man ang magpahintulot sa kanyang sarili na maakay palayo ng mga Lamanita ay tinawag sa ilalim ng gayong pangalan, at may markang itinakda sa kanya.