ANG AKLAT NI ALMA ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA
KABANATA 1
26
At kapag iniiwanan ng mga saserdote ang kanilang agawain upang ipahayag ang salita ng Diyos sa mga tao, ang mga tao rin ay iniiwanan ang kanilang mga gawain upang pakinggan ang salita ng Diyos. At kapag ang mga saserdote ay naipahayag na sa kanila ang salita ng Diyos, silang lahat ay muling nagbabalik nang buong sigasig sa kanilang mga gawain; at ang saserdote, ay hindi pinahahalagahan ang kanyang sarili nang higit sa kanyang mga tagapakinig sapagkat ang mangangaral ay hindi nakahihigit kaysa sa tagapakinig, ni ang guro ay nakahihigit kaysa sa mag-aaral; at sa gayon silang lahat ay pantay-pantay, at silang lahat ay gumagawa, bawat tao sa kanyang lakas.
Mga Talababa
|