Ang Mga Saligan ng Pananampalataya
NG ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW
History of the Church, Tomo 4, Pahina 535 hanggang 541
2
Naniniwala kami na ang mga tao ay parurusahan dahil sa kanilang asariling mga kasalanan, at hindi dahil sa bpaglabag ni Adan.
8
Naniniwala kami na ang aBiblia ay bsalita ng Diyos hangga’t ito ay nasasalin nang cwasto; naniniwala rin kami na ang dAklat ni Mormon ay salita ng Diyos.
9
Naniniwala kami sa lahat ng aipinahayag ng Diyos, sa lahat ng Kanyang ipinahahayag ngayon, at naniniwala rin kami na bmaghahayag pa Siya ng maraming dakila at mahahalagang bagay hinggil sa Kaharian ng Diyos.
11
Inaangkin namin ang anatatanging karapatang sambahin ang Pinakamakapangyarihang Diyos alinsunod sa mga batas ng aming sariling cbudhi, at pinahihintulutan ang lahat ng tao ng gayon ding karapatan, hayaan silang dsumamba, kung paano, kung saan, kung anuman ang ibig nila.
12
Naniniwala kami sa pagpapasailalim sa mga hari, pangulo, namamahala, at hukom, sa pagsunod, paggalang at pagtataguyod ng abatas.
13
Naniniwala kami sa pagiging amatapat, tunay, bmalinis, mapagkawanggawa, marangal, at sa cpaggawa ng mabuti sa lahat ng tao; sa katotohanan, maaari naming sabihing sinusunod namin ang dpayo ni Pablo—Naniniwala kami sa lahat ng bagay, eumaasa kami sa lahat ng bagay, nakapagtiis kami ng maraming bagay, at umaasang fmakapagtitiis sa lahat ng bagay. Kung may anumang bagay na gmarangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipagkakapuri, hinahangad namin ang mga bagay na ito.
Joseph Smith.
|