Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan
IKATLONG NEPHI
Ang Aklat ni Nephi

ANG ANAK NI NEPHI, NA ANAK NI HELAMAN
KABANATA 30
Ang mga Gentil sa huling araw ay inuutusang magsisi, lumapit kay Cristo, at mabilang sa sambahayan ni Israel. Mga A.D. 34–35.
  1 Makinig, O kayong mga Gentil, at pakinggan ang mga salita ni Jesucristo, ang Anak ng buhay na Diyos, na kanyang ainiutos sa akin na sabihin ko hinggil sa inyo, sapagkat masdan, ako ay inutusan niya na ako ay sumulat, sinasabing:
  2 Tumalikod, lahat kayong mga aGentil mula sa inyong masasamang ugali; at bmagsisi sa inyong masasamang gawain, sa inyong mga pagsisinungaling at panlilinlang, at sa inyong mga pagpapatutot, at sa inyong mga lihim na gawaing karumal-dumal, at sa inyong mga pagsamba sa diyus-diyusan, at sa inyong mga pagpaslang, at sa inyong mga huwad na pagkasaserdote, at sa inyong mga inggitan, at sa inyong mga sigalutan, at mula sa lahat ninyong mga kasamaan at karumal-dumal na gawain, at magsilapit sa akin, at magpabinyag sa aking pangalan, upang kayo ay tumanggap ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan, at mapuspos ng Espiritu Santo, upang kayo ay cmabilang sa aking mga tao na sambahayan ni Israel.