IKATLONG NEPHI Ang Aklat ni Nephi ANG ANAK NI NEPHI, NA ANAK NI HELAMAN
KABANATA 12
1
At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito kay Nephi, at sa mga yaong tinawag, (ngayon, ang bilang ng mga yaong tinawag, at tumanggap ng kapangyarihan at karapatan na magbinyag, ay alabindalawa) at masdan, iniunat niya ang kanyang kamay sa maraming tao, at sumigaw sa kanila, sinasabing: kayo kung kayo ay makikinig sa mga salita nitong labindalawang aking cpinili mula sa inyo upang maglingkod sa inyo, at maging inyong mga tagapaglingkod; at sa kanila ay ibinigay ko ang kapangyarihan na binyagan kayo sa tubig; at matapos na kayo ay mabinyagan sa tubig, masdan, bibinyagan ko kayo ng apoy at ng Espiritu Santo; kaya nga pinagpala kayo kung kayo ay maniniwala sa akin at magpapabinyag, matapos na makita ninyo at malaman ninyo na ako ay siya nga.
Mga Talababa
|