Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 29
  12 Sapagkat masdan, magsasalita ako sa mga aJudio at kanilang isusulat ito; at magsasalita rin ako sa mga Nephita at kanilang bisusulat ito; at magsasalita rin ako sa ibang mga lipi ng sambahayan ni Israel, na aking inakay palayo, at kanilang isusulat ito; at ako ay magsasalita rin sa clahat ng bansa sa mundo at kanilang isusulat ito.

Mga Talababa
12a
1 Ne. 13:23–29.
  23 At sinabi niya: Masdan, nagmula ito sa bibig ng isang Judio. At ako, si Nephi, ay namasdan ito; at sinabi niya sa akin: Ang aaklat na iyong namamasdan ay isang btalaan ng mga cJudio, na naglalaman ng mga tipan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel; at naglalaman din ito ng marami sa mga propesiya ng mga banal na propeta; at nahahalintulad ang mga ito sa mga nakaukit sa mga dlaminang tanso, yaon nga lamang ay hindi gaanong marami; gayon pa man, naglalaman ang mga yaon ng mga tipan ng Panginoon, na kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel; anupa’t, labis na mahalaga ang mga ito sa mga Gentil.
b
1 Ne. 13:38–42.
  38 At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang mga labi ng mga binhi ng aking mga kapatid, at gayon din ang aaklat ng Kordero ng Diyos, na nagmula sa bibig ng Judio, na ito ay lumabas mula sa mga Gentil bpatungo sa mga labi ng mga binhi ng aking mga kapatid.
2 Ne. 26:17.
  17 Sapagkat ganito ang wika ng Panginoong Diyos: aIsusulat nila ang mga bagay na ginawa sa kanila, at masusulat ang mga ito at tatatakan sa isang aklat, at ang mga yaon ay hindi mapapasakamay ng mga yaong nanghina sa kawalang-paniniwala, sapagkat bhinahangad nilang wasakin ang mga bagay ng Diyos.
c
2 Ne. 26:33.
  33 Sapagkat wala sa mga kasamaang ito ang nanggagaling sa Panginoon; sapagkat ginagawa niya ang yaong makabubuti sa mga anak ng tao; at wala siyang ginagawa maliban sa ito ay madaling maunawaan ng mga anak ng tao; at inaanyayahan niya silang lahat na lumapit sa kanya at makibahagi sa kanyang kabutihan; at wala siyang atinatanggihan sa mga lumalapit sa kanya; maitim at maputi, alipin at malaya, lalaki at babae; at naaalaala niya ang mga bdi binyagan; at pantay-pantay ang clahat sa Diyos, kapwa Judio at Gentil.