ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 22
Sa araw ng milenyo pupurihin ng lahat ng tao ang Panginoon—Maninirahan siyang kasama nila—Ihambing sa Isaias 12. Mga 559–545 B.C.
1
At iyong sasabihin sa araw na yaon: O Panginoon, pupurihin kita; bagaman nagalit kayo sa akin ay napawi ang inyong galit, at inalo ninyo ako.
2
Masdan, ang Diyos ang aking kaligtasan; ako ay amagtitiwala, at walang katatakutan; sapagkat ang Panginoong bJehova ang aking lakas at aking awit; siya rin ay naging aking kaligtasan.
3
Samakatwid, masaya kang iigib ng atubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
4
At sasabihin mo sa araw na yaon: aPurihin ang Panginoon, manawagan sa kanyang pangalan, ipahayag sa iyong mga tao ang kanyang mga gawain, ipagbantog na dakila ang kanyang pangalan.
5
aAwitan ang Panginoon; sapagkat gumawa siya ng mga dakilang bagay; ang mga ito ay ipaaalam sa buong mundo.
6
aHumiyaw at sumigaw, kayong mga naninirahan sa Sion; sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa piling ninyo.
|