Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 12
Nakita ni Isaias ang templo ng huling araw, pagtitipon ng Israel, at paghuhukom at kapayapaang pang-milenyo—Ang mga palalo at masama ay ibababa sa Ikalawang Pagparito—Ihambing sa Isaias 2. Mga 559–545 B.C.
  1 Ang salitang anapag-alaman ni bIsaias, ang anak ni Amos, hinggil sa Juda at Jerusalem:
  2 At ito ay mangyayari sa mga huling araw, na ang abundok na kinatitirikan ng bbahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga cbundok, at magiging mataas sa mga burol, at magsisiparoon ang lahat ng bansa.
  3 At maraming tao ang magsisiyaon at magsasabi, Halina kayo, at tayo ay umahon sa bundok ng Panginoon, sa tahanan ng Diyos ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kanyang mga daan, at tayo ay amagsisilakad sa kanyang mga landas; sapagkat mula sa Sion ay manggagaling ang bbatas, at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.
  4 At siya ang ahuhukom sa mga bansa, at pagsasabihan ang maraming tao: at kanilang gagawing sudsod ang kanilang mga espada, at ang kanilang mga sibat ay magiging mga karit—ang bansa ay hindi magtataas ng espada laban sa bansa, ni hindi na sila magsasanay sa digmaan.
  5 O sambahayan ni Jacob, halina kayo at tayo ay magsilakad sa liwanag ng Panginoon; oo, halina, sapagkat lahat kayo ay anangaligaw, bawat isa sa kani-kanyang masasamang gawain.
  6 Samakatwid, O Panginoon, binayaan ninyo ang inyong mga tao, ang sambahayan ni Jacob, dahil sa sila aay napuspos ng mga manggagaway na mula sa silangan, at nakinig sa mga manghuhula gaya ng mga bFilisteo, at kanilang cbinibigyang-lugod ang kanilang sarili sa mga anak ng mga dayuhan.
  7 Ang kanilang lupain ay puno rin ng pilak at ginto, ni walang katapusan ang kanilang mga kayamanan; at ang kanilang lupain ay puno rin ng mga kabayo, ni walang katapusan ang bilang ng kanilang mga karo.
  8 At ang kanilang lupain ay puno rin ng mga adiyus-diyusan; sinasamba nila ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na gawa ng kanilang sariling mga daliri.
  9 At ang taong hamak ay ahindi yumuyuko, at ang mataas na tao ay hindi nagpapakumbaba, samakatwid, huwag siyang patawarin.
  10 O kayong masasama, pumasok kayo sa malaking bato, at amagkubli kayo sa alabok, sapagkat ang takot sa Panginoon at sa kaluwalhatian ng kanyang kamahalan ang babagabag sa inyo.
  11 At ito ay mangyayari na ang mga mapagmataas na noo ng mga tao ay payuyukuin, at ang mga mapagmataas ng tao ay ibababa, at ang Panginoon lamang ang dadakilain sa araw na yaon.
  12 Sapagkat ang aaraw ng Panginoon ng mga Hukbo ay malapit nang sumapit sa lahat ng bansa, oo, sa lahat; oo, sa bpalalo at matatayog, at sa lahat ng mapagmataas, at sila ay ibababa.
  13 Oo, at sasapit ang araw ng Panginoon sa lahat ng sedro ng Libano, sapagkat sila ay matatayog at matataas; at sa lahat ng encina ng Besan;
  14 At sa lahat ng mataas na bundok, at sa lahat ng burol, at sa lahat ng bansang matayog, at sa lahat ng tao;
  15 At sa lahat ng mataas na tore, at sa lahat ng nababakurang muog;
  16 At sa lahat ng sasakyang-dagat ng adagat, at sa lahat ng sasakyang-dagat ng Tarsis, at sa lahat ng mainam na bagay.
  17 At ang katayugan ng tao ay iyuyukod, at ang mapagmataas ng tao ay ibababa; at ang Panginoon lamang ang dadakilain sa araw na ayaon.
  18 At ang mga diyus-diyusan ay papawiin niya nang tuluyan.
  19 At magtutungo sila sa mga bitak ng malalaking bato, at sa loob ng mga guwang ng lupa, sapagkat ang takot sa Panginoon ay mananaig sa kanila at babagabagin sila ng kaluwalhatian ng kanyang kamahalan, kapag pumarito siya upang labis na payanigin ang mundo.
  20 Sa araw na yaon ay aitatapon ng tao ang kanyang mga diyus-diyusang pilak, at ang kanyang mga gintong diyus-diyusan, na ginawa niya para sa sarili upang kanyang sambahin, sa mga bilig at sa mga paniki;
  21 Upang magtungo sa mga bitak ng malalaking bato, at sa mga tuktok ng magagaspang na bato, sapagkat ang takot sa Panginoon ay mananaig sa kanila at babagabagin sila ng kamahalan ng kanyang kaluwalhatian, kapag pumarito siya upang labis na payanigin ang mundo.
  22 Layuan ninyo ang atao, na ang hininga ay nasa kanyang mga butas ng ilong; sapagkat sa ano siya pahahalagahan?