Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG IKALAWANG AKLAT NI NEPHI
KABANATA 11
Nakita ni Jacob ang kanyang Manunubos—Ang mga batas ni Moises ay sumasagisag kay Cristo at nagpapatunay na paparito siya. Mga 559–545 B.C.
  1 At ngayon, marami pang bagay ang sinabi ni aJacob sa aking mga tao sa panahong yaon; gayon pa man ang mga bagay lamang na ito ang aking bisinulat, sapagkat ang mga bagay na naisulat ko ay sapat na sa akin.
  2 At ngayon ako, si Nephi, ay magsusulat pa ng mga salita ni aIsaias, sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang mga salita. Sapagkat inihahalintulad ko ang kanyang mga salita sa aking mga tao, at ipadadala ko ang mga ito sa lahat ng aking mga anak, sapagkat katotohanang nakita niya ang aking bManunubos, tulad ng pagkakita ko sa kanya.
  3 At ang aking kapatid, si Jacob, ay anakita rin siya tulad ng pagkakita ko sa kanya; anupa’t ipadadala ko ang kanilang mga salita sa aking mga anak upang patunayan sa kanila na totoo ang mga salita ko. Samakatwid, sa pamamagitan ng mga salita ng btatlo, sinabi ng Diyos, na pagtitibayin ko ang aking salita. Gayon pa man, ang Diyos ay magpapadala ng mga karagdagang saksi, at patutunayan niya ang lahat ng kanyang salita.
  4 Masdan, ang aking kaluluwa ay nalulugod sa apagpapatunay sa aking mga tao ng katotohanan ng bpagparito ni Cristo; sapagkat, sa layuning ito ibinigay ang mga cbatas ni Moises; at lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos mula pa sa simula ng daigdig, sa tao, ay pagsasagisag sa kanya.
  5 At ang aking kaluluwa ay nalulugod din sa mga atipan ng Panginoon na kanyang ginawa sa ating mga ama; oo, ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang biyaya, at sa kanyang katarungan, at kapangyarihan, at awa sa dakila at walang hanggang plano ng kaligtasan mula sa kamatayan.
  6 At ang aking kaluluwa ay nalulugod sa pagpapatunay sa aking mga tao na amaliban kung paparito si Cristo ay tiyak na masasawi ang lahat ng tao.
  7 Sapagkat kung awalang Cristo ay walang Diyos; at kung walang Diyos ay wala tayo, sapagkat hindi maaaring magkaroon ng bpaglikha. Subalit may Diyos, at siya si Cristo, at paparito siya sa kaganapan ng kanyang sariling kapanahunan.
  8 At ngayon susulat ako ng ilan sa mga salita ni Isaias, upang kung sino man sa aking mga tao ang makababasa ng mga salitang ito ay magkaroon ng sigla sa kanilang mga puso at magsaya para sa lahat ng tao. Ngayon, ito ang mga salita, at maaari ninyong ihalintulad ang mga ito sa inyo at sa lahat ng tao.