Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG UNANG AKLAT NI NEPHI
ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 8
Si Lehi ay nakakita ng isang pangitain ng punungkahoy ng buhay—Kinain niya ang bunga nito at ninais niyang gayon din ang gawin ng kanyang mag-anak—Nakakita siya ng isang gabay na bakal, isang makipot at makitid na landas, at ng abu-abo ng kadiliman na bumabalot sa mga tao—Sina Saria, Nephi, at Sam ay kumain ng bunga, subalit tumanggi sina Laman at Lemuel. Mga 600–592 B.C.
  1 At ito ay nangyari na, na tinipon naming sama-sama ang lahat ng uri ng binhi, bawat uri ng butil, at gayon din ang mga binhi ng lahat ng uri ng bungang-kahoy.
  2 At ito ay nangyari na, na habang nanatili ang aking ama sa ilang ay nangusap siya sa amin, sinasabing: Masdan, ananaginip ako ng isang panaginip; o, sa ibang salita, nakakita ako ng bpangitain.
  3 At masdan, dahil sa nakita kong bagay, may dahilan ako upang magalak sa Panginoon dahil kay aNephi at gayon din kay Sam; sapagkat may dahilan ako upang mag-akala na sila, at marami rin sa kanilang mga binhi, ay maliligtas.
  4 Subalit masdan, aLaman at Lemuel, labis akong natatakot dahil sa inyo; sapagkat masdan, inakala kong nakakita ako sa aking panaginip, ng isang madilim at mapanglaw na ilang.
  5 At ito ay nangyari na, na nakakita ako ng isang lalaki, at nakasuot siya ng isang puting abata; lumapit siya at tumayo sa aking harapan.
  6 At ito ay nangyari na, na nangusap siya sa akin, at sinabihan akong sumunod sa kanya.
  7 At ito ay nangyari na, nang sumunod ako sa kanya ay namasdan ko ang aking sarili na ako ay nasa isang madilim at mapanglaw na ilang.
  8 At matapos na maglakbay ako sa loob ng maraming oras sa kadiliman, nagsimula akong manalangin sa Panginoon na amaawa siya sa akin, alinsunod sa nag-uumapaw niyang magiliw na awa.
  9 At ito ay nangyari na, matapos akong manalangin sa Panginoon ako ay nakamalas ng malaki at malawak na aparang.
  10 At ito ay nangyari na, na nakamalas ako ng isang apunungkahoy, na ang bbunga ay kanais-nais upang makapagpaligaya sa tao.
  11 At ito ay nangyari na, na lumapit ako at kumain ng abunga nito; at napagtanto ko na napakatamis nito, higit pa sa lahat ng natikman ko na. Oo, at namasdan ko na ang bunga niyon ay puti, higit pa sa lahat ng bkaputiang nakita ko na.
  12 At nang kinain ko ang bunga niyon ay pinuspos nito ang aking kaluluwa ng labis na akagalakan; anupa’t nagsimula akong magkaroon ng bpagnanais na makakain din nito ang aking mag-anak; sapagkat alam ko na ito ay higit na ckanais-nais sa lahat ng iba pang bunga.
  13 At nang nagpalingun-lingon ako, nagbabaka sakaling matagpuan ko rin ang aking mag-anak, nakamalas ako ng isang ailog ng tubig; at ito ay dumadaloy, at malapit ito sa punungkahoy kung saan ako kumakain ng bunga.
  14 At nagmasid ako upang mamasdan kung saan ito nagmula; at nakita ko ang dulo nito sa di kalayuan; at sa dulo nito ay namasdan ko ang inyong inang si Saria, at si Sam, at si Nephi; at nakatayo sila na waring hindi alam kung saan sila patutungo.
  15 At ito ay nangyari na, na kinawayan ko sila; at sinabihan ko rin sila sa isang malakas na tinig na dapat silang lumapit sa akin, at kumain ng bunga, na higit na kanais-nais sa lahat ng iba pang bunga.
  16 At ito ay nangyari na, na lumapit sila sa akin at kumain din ng bunga.
  17 At ito ay nangyari na, na nagnais akong lumapit at kumain din ng bunga sina Laman at Lemuel; kaya nga, ibinaling ko ang aking mga paningin sa dulo ng ilog, nagbabaka sakaling makita ko sila.
  18 At ito ay nangyari na, na nakita ko sila, subalit aayaw nilang lumapit sa akin at kumain ng bunga.
  19 At nakamalas ako ng agabay na bakal, at ito ay nasa kahabaan ng pampang ng ilog, at patungo sa kinatatayuan kong punungkahoy.
  20 At nakamalas din ako ng amakipot at makitid na landas, sa kahabaan ng gabay na bakal, maging sa kinatatayuan kong punungkahoy, at patungo rin ito sa dulo ng bukal, patungo sa malaki at malawak na bparang, na sa waring ito ay isang daigdig.
  21 At nakakita ako ng di mabilang na lipumpon ng mga tao, marami sa kanila ay nagpapatuloy sa paglalakad, upang kanilang matamo ang alandas patungo sa kinatatayuan kong punungkahoy.
  22 At ito ay nangyari na, na nagtungo sila, at nagsimula sa landas na patungo sa punungkahoy.
  23 At ito ay nangyari na, na may lumitaw na aabu-abo ng kadiliman; oo, maging isang napakalaking abu-abo ng kadiliman, kung kaya nga’t sila na mga nagsimula sa landas ay nangaligaw, at sila ay nagpagala-gala at nangawala.
  24 At ito ay nangyari na, na nakamalas ako ng iba pang nagpapatuloy sa paglalakad, at nagtungo sila at mahigpit na humawak sa dulo ng gabay na bakal; at sila ay nagpatuloy sa paglalakad sa abu-abo ng kadiliman, mahigpit na nakakapit sa gabay na bakal, maging hanggang sa makalapit sila at makakain ng abunga ng punungkahoy.
  25 At matapos na makakain sila ng bunga ng punungkahoy ay nagpalingun-lingon sila na sa wari ay anahihiya.
  26 At nagpalingun-lingon din ako, at nakamalas, sa kabila ng ilog ng tubig, ng isang malaki at amaluwang na gusali; at nakatayo ito na sa wari ay nasa hangin, sa itaas ng lupa.
  27 At puno ito ng tao, kapwa matanda at bata, kapwa lalaki at babae; at ang paraan ng kanilang pananamit ay labis na mainam; at sila ay nasa aayos ng panlalait at pagtuturo ng kanilang daliri roon sa mga yaong nagsitungo at kumakain ng bunga.
  28 At matapos na amatikman nila ang bunga sila ay bnahiya, dahil sa mga yaong humahamak sa kanila; at cnangagsilayo sila patungo sa mga ipinagbabawal na landas at nangawala.
  29 At ngayon ako, si Nephi, ay hindi nagsasabi ng alahat ng salita ng aking ama.
  30 Subalit, upang mapaikli sa pagsusulat, masdan, nakakita siya ng marami pang tao na nagpapatuloy sa paglalakad; at nakarating sila at mahigpit na humawak sa dulo ng agabay na bakal; at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad, patuloy na humahawak nang mahigpit sa gabay na bakal, hanggang sa makarating sila at napatiluhod at makakain ng bunga ng punungkahoy.
  31 At nakita rin niya ang amarami pang tao na umaapuhap sa kanilang daraanan patungo sa malaki at maluwang na gusali.
  32 At ito ay nangyari na, na marami ang nangalunod sa kailaliman ng abukal; at marami ang nangawala sa kanyang paningin, nagpagala-gala sa mga di kilalang daan.
  33 At napakarami ng taong pumasok sa loob ng yaong di pangkaraniwang gusali. At matapos silang makapasok sa gusaling yaon ay itinuro nila ang amapanlibak nilang daliri sa akin at sa mga yaong kumakain din ng bunga; subalit hindi namin sila pinansin.
  34 Ito ang mga salita ng aking ama: Kasindami ng apumansin sa kanila, ay nangaligaw.
  35 At hindi kumain ng bunga sina aLaman at Lemuel, wika ng aking ama.
  36 At ito ay nangyari na, na matapos sabihin ng aking ama ang lahat ng kanyang panaginip o pangitain, na marami, sinabi niya sa amin, na dahil dito sa mga bagay na nakita niya sa pangitain, labis siyang natatakot para kina Laman at Lemuel; oo, natatakot siya na baka itakwil sila mula sa harapan ng Panginoon.
  37 At pagkatapos kanyang pinayuhan sila, lakip ang lahat ng damdamin ng isang nagmamahal na amagulang, na makinig sila sa kanyang mga salita, na baka sakaling maawa ang Panginoon sa kanila, at hindi sila itakwil; oo, pinangaralan sila ng aking ama.
  38 At matapos niyang pangaralan sila, at nagpropesiya rin sa kanila ng maraming bagay, kanyang sinabihan silang sundin ang mga kautusan ng Panginoon; at huminto siya sa pagsasalita sa kanila.