Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG UNANG AKLAT NI NEPHI
ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 7
  12 Oo, at paanong nakalimutan ninyo na kayang gawin ng Panginoon ang alahat ng bagay alinsunod sa kanyang kalooban, alang-alang sa mga anak ng tao, kung tunay na ginagamit nila ang bpananampalataya sa kanya? Kaya nga, tayo ay maging matapat sa kanya.

Mga Talababa
12a
1 Ne. 17:50.
  50 At sinabi ko sa kanila: aKung Diyos ang nag-utos sa aking gawin ang lahat ng bagay ang mga yaon ay magagawa ko. Kung uutusan niya akong sabihin ko sa tubig na ito, ikaw ay maging lupa, ito ay magiging lupa; at kung ito ay sasabihin ko, ito ay mangyayari.
Alma 26:12.
  12 Oo, nalalaman kong ako’y walang halaga; kung sa akin lamang lakas ay mahina ako, kaya nga hindi ako anagmamalaki sa aking sarili, kundi ipagmamalaki ko ang aking Diyos, sapagkat sa kanyang blakas ay maaari kong magawa ang lahat ng bagay; oo, masdan, maraming dakilang himala ang nagawa natin sa lupaing ito, kung saan pupurihin natin ang kanyang pangalan magpakailanman.
b
1 Ne. 3:7.
  7 At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay nangusap sa aking ama: aHahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon, sapagkat nalalaman ko na ang Panginoon ay hindi magbibigay ng mga bkautusan sa mga anak ng tao, maliban sa siya ay cmaghahanda ng paraan para sa kanila upang kanilang maisagawa ang bagay na kanyang ipinag-uutos sa kanila.
1 Ne. 15:11.
  11 Hindi ba ninyo natatandaan ang mga bagay na sinabi ng Panginoon?—Kung hindi ninyo patitigasin ang inyong mga puso, at amagtatanong sa akin nang may pananampalataya, naniniwalang makatatanggap kayo, nang may pagsusumigasig sa pagsunod sa aking mga kautusan, tiyak na ipaaalam sa inyo ang mga bagay na ito.