Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG UNANG AKLAT NI NEPHI
ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 18
  10 At ako, si Nephi, ay nagsimulang matakot nang labis na baka ang Panginoon ay magalit sa amin, at bagabagin kami dahil sa aming kasamaan, na kami ay malulon sa kailaliman ng dagat; kaya nga, ako, si Nephi, ay nagsimulang magsalita sa kanila nang mahinahon; subalit masdan, sila ay anagalit sa akin, sinasabing: Ayaw namin na ang aming nakababatang kapatid ang siyang bmamuno sa amin.

Mga Talababa
10a
1 Ne. 17:17–55.
  17 At nang makita ng aking mga kapatid na ako ay magsisimulang agumawa ng sasakyang-dagat, sila ay nagsimulang bumulung-bulong laban sa akin, sinasabing: Ang ating kapatid ay isang hangal, sapagkat inaakala niya na siya ay makagagawa ng isang sasakyang-dagat; oo, at inaakala rin niyang makatatawid siya sa malawak na tubig na ito.
b
Gen. 37:9–11.
1 Ne. 16:37–38.
  37 At sinabi ni Laman kay Lemuel at gayon din sa mga anak na lalaki ni Ismael: Masdan, apatayin natin ang ating ama, at gayon din ang ating kapatid na si Nephi, na iniluklok ang kanyang sarili na maging ating btagapamahala at ating guro, na mga nakatatanda niyang kapatid.
2 Ne. 1:25–27.
  25 At ako ay labis na natatakot at nanginginig dahil sa inyo, na baka siya ay muling magdusa; sapagkat masdan, inyo siyang pinararatangan na siya ay naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan at akarapatan sa inyo; ngunit alam kong hindi siya naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan at karapatan sa inyo, bagkus, ang kaluwalhatian ng Diyos ang hinahangad niya, at ang inyong walang hanggang kapakanan.