ANG UNANG AKLAT NI NEPHI ANG KANYANG PANUNUNGKULAN AT MINISTERYO
KABANATA 11
Nakita ni Nephi ang Espiritu ng Panginoon at pinakitaan ng pangitain ng punungkahoy ng buhay—Nakita niya ang ina ng Anak ng Diyos at nalaman ang pagpapakababa ng Diyos—Nakita niya ang pagbibinyag, ministeryo, at pagkakapako sa krus ng Kordero ng Diyos—Nakita rin niya ang pagtawag at ministeryo ng Labindalawang Apostol ng Kordero. Mga 600–592 B.C.
1
Sapagkat ito ay nangyari na, na matapos kong naising malaman ang mga bagay na nakita ng aking ama, at naniniwala na ang Panginoon ay magagawang ipaalam sa akin ang mga bagay na yaon, habang nakaupo akong anagbubulay-bulay sa aking puso ay bnapasa-Espiritu ako ng Panginoon, oo, sa isang napakataas na cbundok, na kailanman ay hindi ko pa nakikita, at kailanman ay hindi ko pa naiyayapak ang aking mga paa.
2
At sinabi sa akin ng Espiritu: Masdan, ano ang ninanais mo?
3
At tumugon ako: Nais kong mamasdan ang mga bagay na anakita ng aking ama.
4
At sinabi sa akin ng Espiritu: Naniniwala ka bang nakita ng iyong ama ang apunungkahoy na kanyang sinabi?
5
At sinabi ko: Oo, nalalaman mong ananiniwala ako sa lahat ng salita ng aking ama.
6
At nang sabihin ko ang mga salitang ito, ang Espiritu ay sumigaw sa malakas na tinig, sinasabing: Hosana sa Panginoon, ang kataas-taasang Diyos; sapagkat siya ang Diyos ng buong amundo, oo, maging higit sa lahat. At pinagpala ka, Nephi, sapagkat bnaniniwala ka sa Anak ng kataas-taasang Diyos; kaya nga, mamamasdan mo ang mga bagay na ninanais mo.
7
At masdan, ang bagay na ito ay ibibigay sa iyo bilang isang apalatandaan, na matapos mong mamasdan ang punungkahoy na namumunga ng bungang natikman ng iyong ama, mamamasdan mo rin ang isang lalaking bumababa mula sa langit, at makikita mo siya; at matapos mong makita siya ay bpatototohanan mo na siya ang Anak ng Diyos.
8
At ito ay nangyari na, na sinabi sa akin ng Espiritu: Tingnan! At tumingin ako at namasdan ang punungkahoy; at ito ay nahahalintulad sa apunungkahoy na nakita ng aking ama; at ubod ito ng ganda, oo, higit sa lahat ng kagandahan; at ang kaputian nito ay higit pa sa bkaputian ng niyebe.
9
At ito ay nangyari na, na matapos kong makita ang punungkahoy, sinabi ko sa Espiritu: Namasdan kong ipinakita mo sa akin ang punungkahoy na apinakamahalaga sa lahat.
10
At sinabi niya sa akin: Ano ang ninanais mo?
11
At sinabi ko sa kanya: Ang malaman ang akahulugan nito—sapagkat nakipag-usap ako sa kanya tulad ng pakikipag-usap sa isang tao; sapagkat namasdan ko na siya ay nasa banyo ng isang tao; subalit gayon pa man, alam ko na ito ang Espiritu ng Panginoon; at nakipag-usap siya sa akin tulad ng pakikipag-usap ng isang tao sa iba.
12
At ito ay nangyari na, na sinabi niya sa akin: Tingnan! At tumingin ako na sa wari ay titingin sa kanya, at hindi ko siya nakita; sapagkat lumisan siya mula sa aking harapan.
13
At ito ay nangyari na, na tumingin ako at namasdan ang dakilang lunsod ng Jerusalem, at iba pang mga lunsod. At namasdan ko ang lunsod ng Nazaret; at sa lunsod ng aNazaret ay namasdan ko ang isang bbirhen, at siya ay napakaganda at napakaputi.
14
At ito ay nangyari na, na nakita kong bumukas ang akalangitan; at isang anghel ang bumaba at tumayo sa aking harapan; at sinabi niya sa akin: Nephi, ano ang namamasdan mo?
15
At sinabi ko sa kanya: Isang birhen, pinakamaganda at kaakit-akit sa lahat ng iba pang birhen.
16
At sinabi niya sa akin: Nalalaman mo ba ang pagpapakababa ng Diyos?
17
At sinabi ko sa kanya: Alam kong mahal niya ang kanyang mga anak; gayon pa man, hindi ko nalalaman ang ibig sabihin ng lahat ng bagay.
18
At sinabi niya sa akin: Masdan, ang abirheng iyong nakikita ang bina ng Anak ng Diyos, ayon sa laman.
19
At ito ay nangyari na, na namasdan ko na siya ay natangay sa Espiritu; at matapos siyang matangay sa aEspiritu ng ilang panahon, nangusap sa akin ang anghel, sinasabing: Tingnan!
20
At tumingin ako at namasdang muli ang birhen, may dalang isang abata sa kanyang mga bisig.
21
At sinabi sa akin ng anghel: Masdan ang aKordero ng Diyos, oo, maging ang bAnak ng Walang Hanggang cAma! Nalalaman mo na ba ang kahulugan ng dpunungkahoy na nakita ng iyong ama?
22
At tinugon ko siya, sinasabing: Oo, ito ang apag-ibig ng Diyos, na laganap sa mga puso ng mga anak ng tao; anupa’t ito ang pinakakanais-nais sa lahat ng bagay.
23
At nangusap siya sa akin, sinasabing: Oo, at ang labis na anakalulugod sa kaluluwa.
24
At matapos niyang sabihin ang mga salitang ito, sinabi niya sa akin: Tingnan! At tumingin ako, at namasdan ko ang Anak ng Diyos na anakikisalamuha sa mga anak ng tao; at nakita kong marami ang nangaluhod sa kanyang paanan at sinamba siya.
25
At ito ay nangyari na, na namasdan ko na ang agabay na bakal, na nakita ng aking ama, ay salita ng Diyos, na nagbibigay-daan patungo sa bukal ng mga bbuhay na tubig, o sa cpunungkahoy ng buhay; kung aling mga tubig ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos; at namasdan ko rin na ang punungkahoy ng buhay ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos.
26
At muling sinabi sa akin ng anghel: Tingnan at masdan ang apagpapakababa ng Diyos!
27
At tumingin ako at anamasdan ang Manunubos ng sanlibutan, na siyang sinabi ng aking ama; at namasdan ko rin ang bpropetang maghahanda ng daan para sa kanya. At ang Kordero ng Diyos ay humayo at cnagpabinyag sa kanya; at matapos siyang mabinyagan, namasdan kong bumukas ang kalangitan, at bumaba na tulad sa isang dkalapati ang Espiritu Santo mula sa langit at tumahan sa kanya.
28
At namasdan kong humayo siyang nangangaral sa mga tao, sa akapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; at sama-samang nagtipon ang maraming tao upang marinig siya; at namasdan kong ipinagtabuyan siya mula sa kanila.
29
At namasdan ko rin ang iba pang alabindalawa na sumusunod sa kanya. At ito ay nangyari na, na sila ay natangay sa Espiritu mula sa aking harapan, at hindi ko na sila nakita.
30
At ito ay nangyari na, na muling nangusap sa akin ang anghel, sinasabing: Tingnan! At tumingin ako, at namasdan ko na muling bumukas ang kalangitan, at nakita kong bumababa ang mga aanghel sa mga anak ng tao; at sila ay naglingkod sa kanila.
31
At muli siyang nangusap sa akin, sinasabing: Tingnan! At tumingin ako, at namasdan ko ang Kordero ng Diyos na nakikisalamuha sa mga anak ng tao. At namasdan ko ang maraming tao na may karamdaman, at yaong mga naghihirap sa lahat ng uri ng sakit, at nasasapian ng mga adiyablo at bmasasamang espiritu; at nangusap ang anghel at ipinakita ang lahat ng bagay na ito sa akin. At cpinagaling sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kordero ng Diyos; at pinalayas ang mga diyablo at ang masasamang espiritu.
32
At ito ay nangyari na, na muling nangusap sa akin ang anghel, sinasabing: Tingnan! At tumingin ako at namasdan ang Kordero ng Diyos, na dinakip siya ng mga tao; oo, ang Anak ng Diyos na walang hanggan ay ahinatulan ng sanlibutan; at nakita ko ito at pinatototohanan.
33
At ako, si Nephi, ay nakitang itinaas siya sa akrus at bpinatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan.
34
At matapos siyang patayin ay nakita ko ang maraming tao ng mundo, na sama-samang nagtipon sila upang kalabanin ang mga apostol ng Kordero; sapagkat sa gayon tinawag ng anghel ng Panginoon ang labindalawa.
35
At sama-samang nagtipon ang maraming tao ng mundo; at namasdan ko na sila ay nasa malaki at maluwang na agusali, tulad ng gusaling nakita ng aking ama. At muling nangusap ang anghel ng Panginoon sa akin, sinasabing: Masdan ang sanlibutan at ang karunungan nito; oo, masdan ang sambahayan ni Israel na sama-samang nagtipon upang kalabanin ang labindalawang apostol ng Kordero.
36
At ito ay nangyari na, na nakita ko at pinatototohanan, na ang malaki at maluwang na gusali ang akapalaluan ng sanlibutan; at bumagsak ito, at ang pagkakabagsak nito ay napakalakas. At muling nangusap ang anghel ng Panginoon sa akin, sinasabing: Gayon ang magiging pagkawasak ng lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, na kakalaban sa labindalawang apostol ng Kordero.
|